
Malapit na akong manganak, anytime pwede ko ng isilang ang panganay namin ni Edwin kaya makikita nyo sa litrato na ito ayun na si baby kasunod ni RELLY, hindi na si relly ang bunsotitay.
Maraming pagsubok ang dumating sa taong 2009 pero malaking malaki ang pasasalamat ko sa PANGINOON na ligtas ang aking pamilya lalo na nung dumating ang BAGYONG ONDOY, nasalanta sila ng bagyo... hindi sila nakakain at nakatulog mga ilang araw dahil umabot hanggang bubong ang baha.
Isa sa mga pagsubok din ay ang pagkawala ng work ng hubby ko, lay-off sila natira na lang may-ari at yong may matataas ang posisyon sa opisina. Pero nakaka-survive pa rin kami kasi wala naman kaming utang at wala pang anak pero coming soon na si baby. Problema lang ang mga pamilya namin sa Pilipinas na umaasa sa aming tulong lalo na at maysakit ang tatay ng hubby ko at kailangan itong i-chemo ng maraming beses para labanan ang kanser.
Pero sa kabila ng mga pagsubok na ito, masayang masaya pa rin ako at lalong lumalakas ang loob ko kasi malapit ng dumating ang baby angel namin ni Edwin. Matagal ko na itong pinagdarasal sa itaas, super kulit ko na....nakulitan na sa akin si GOD kaya ito malapit ko na syang isilang. ITO ANG PINAKAMASAYANG REGALO na matatanggap ko ngayong pasko, magkaroon ako ng baby at makasama ko ang aking asawa ngayong pasko, ilang pasko din kasi na hindi ko sya nakasama. SALAMAT talaga kay GOD, kaya mga friends kung may mga kahilingan kayo sa itaas kung talaga nararapat at nasa tamang panahon na ibibigay din ito sa inyo, maghintay ka lamang at huwag na huwag mawalan ng pag-asa-PRAY and PRAY and PRAY... :)
No comments:
Post a Comment