
Kay sarap umupo at manatili sa tabi ng lawa na ito at pagmasdan ang paglubog ng araw.
I feel not good kasi nagkatampuhan kami ng family ko. Mahal na mahal ko sila. Gusto kong bawiin ang mga nasabi ko kaya lang andun na nasabi ko na.
Bilang panganay sa magkakapatid gusto ko maging maayos ang lahat at ayaw ko sanang nagkakatampuhan kami at lalo na sa aming mga magulang. Dapat bigyan ko ng gabay at pang-unawa ang aking mga kapatid kaya lang kapag nakaka-inis na nakakapagsalita ako ng masasakit na kapag nasabi ko na ay tila nadudurog ang PUSO ko na kung pwede parang eraser lang na pwedeng bawiin ang nasabi or sa isang blackboard na kay dali lang burahin ang nakasulat.
Naisip ko na tumatakbo ang panahon at sa bawat panahong ibinigay sa atin ng Panginoon ay ating pangalagahan. Magpakita tayo sa bawat isa ng pagmamahalan at pang-unawa sa isa't isa. Dahil ang buhay natin dito sa daigdig ay pansamantala lamang bakit kailangan lumipas at umandar ang panahon na may galit tayo sa ating mahal sa buhay o maging sa kaibigan, kapitbahay, classmate o sa ibang kapwa natin.
Nagpapasalamat ako sa Maykapal dahil binigyan nya ako ng isang ina, ama at mga kapatid isa silang malaking biyaya sa buhay ko. Bakit ba kailangang kami ay magkasamaan ng loob sila ang pamilya ko na dapat kami ay nagdadamayan kami sa anumang bagyo tulad ni MILENYO. Ang galit ay nakakasira sa isang samahang matibay dapat ang pag-ibig ang maghari sa bawat isa para kahit anong unos o problema ang sumubok sa amin ay walang bibitaw.
For every minute you are angry, you lose sixty seconds of happiness. ~Author Unknown

No comments:
Post a Comment