
Sobrang saya ko noong malaman ko na buntis ako that was May 8, 2009 kasi ilang buwan din ako nag stay with my husband mga 3 months ay hindi pa rin ako nagbubuntis. Noong unang kasal namin ay nagbuntis agad ako pero nakunan din agad tapos umuwi na sya uli from abroad almost 3 months stay sa Pinas ay hindi na ako uli nagdalang-tao kaya super sad ako. Nagpapa-check naman ako sa OB-GYNE pero wala naman silang sinasabi na malaking problema sa matris or kung ako ay may problem sa infertility dahil minsan noong nagpatingin ako sa Medical City dyan sa Ortigas ay meron pa nga syang nakitang 2 eggs sa akin. Sa nabasa ko posibilidad kung ako ay magbubuntis at matamaan ang 2 eggs magkakaroon pa ako ng TWINS, YAHOOOOOOO!
Ngayon naman ay buntis na, sakto na magpapatingin na sana kami sa ESPESYALISTA kung ano ang deperensya naming mag-asawa, sabi ko sa hubby ko na hintayin lang na magkaroon ako at pagkatapos ng aking dalaw tsaka kami magpatingin para wala ng BLOODY BLOODY to the maxxxxx!!!!! pero ang tagal kong datnan eh at nakakita ako ng pregtest dyan sa DOLLARAMA sabi ko subok lang ay baka naman BUNTIS na ako, pagkatapos kung mag test sa nabili kong preg. test yon nga 2 lines-it means POSITIVE at JUNTIS na LOLA MO, dahil duda ako sa preg.test kasi mura lang sya ay dali dali kaming pumunta ng asawa ko sa medical center para ma-confirm kung talagang ako ay buntis na at ayun nga tama ang sinsabi ng PREG TEST ko, mataas nga daw ang HCG LEVEL at twice nila na-check-meaning BUNTIS NA AKO, thanks GOD!!!!!...kaya dobleng ingat na ako at walang paltos sa pag inom ng VITAMINS. And laki nga ng tinaba ko pero kahit pumangit na ang katawan ko basta ang mahalaga okey lang si baby. Sana manganak na ako para makita ko na sya. Excited ako na makita ang LITTLE ANGEL namin. Mag reduce na lang ako ng konte kapag nasa 5-6 months na ang tyan ko para iwas ako sa cesarian at diabetes.
Sa mga nagsisikap na magkaroon ng baby angel, huwag kayong mawalan ng HOPE....pray lang talaga sa ITAAS, walang imposible sa kanya at huwag kayong mainip kasi kung ibibigay at nasa tamang panahon na ay ibibigay at ibibigay na ni LORD ito. Sometimes yan ay pagsubok lamang sa atin kaya tatagan nyo ang inyong loob.
You can tell the size of your God by looking at the size of your worry list. The longer your list, the smaller your God. ~Author Unknown
